Ang engineering ay isang propesyon sa Canada na sumasailalim sa regulasyon. Ang ibig sabihin nito, ayon sa batas, dapat na may lisensya ka mula sa nangangasiwang ahensya sa Canada para makapagtrabaho bilang isang engineer at para gumamit ng terminong “engineer” sa iyong titulo bilang propesyon. Sa Canada, responsibilidad ng nangangasiwang ahensya (“mga regulator”) sa probinsya at sa teritoryo ang pagbibigay ng lisensya sa mga engineer.  

Dapat kang mag-apply para sa iyong lisensyang professional engineering (P.Eng.) sa regulator sa probinsya o sa teritoryo kung saan mo gustong magtrabaho. Dapat kang makipag-ugnayan sa regulator na iyon para masagot ang iyong tanong tungkol sa mga patakaran at proseso nito sa pagtanggap. (Listahan ng Regulator).  

Naglathala ang Engineers Canada ng Public guideline on admission to the practice of engineering in Canada, na available sa English at French, na nagbabalangkas sa mga kinakailangan sa pagtanggap para sa P.Eng.  

Para mag-apply, kakailanganin ng mga regulator para patunayang mayroon kang edukasyon sa engineering at na mayroon kang nauugnay na karanasan sa trabaho. (Paano mag-apply para sa lisensya).  

Ang mga kinakailangan sa pagpaparehistro sa P.Eng. sa Canada ay:  

  • Akademiko: Nakatapos ka ng edukasyon sa engineering.
  • Karanasan sa trabaho: Mayroon kang may superbisyong karanasan sa trabaho na nagpapamalas ng iyong kakayahang gamitin ang kaalaman mo sa engineering.
  • Wika: Mahusay kang nakakapagsalita ng kahit isa sa mga opisyal na wika ng Canada. Tiyaking matatas ka sa wikang ginagamit sa trabaho sa probinsya o sa teritoryo kung saan mo gustong magtrabaho.
  • Magandang personalidad: Nagpamalas ka ng katotohanan, katapatan at pagkamapagkakatiwalaan sa iyong paggawi.
  • Propesyonalismo at etika: May kaalaman ka sa mga usapin sa pagsasagawa ng propesyon, kasama ang batas at etika.

Ang mga dokumentong kailangan mong ibigay ay:  

  • Nakumpletong aplikasyon.  
  • Mga degree, sertipiko, diploma, at transcript (posibleng kinakailangan din ang mga detalye ng kurso). Kinakailangan ng karamihan sa mga regulator ng mas partikular na uri ng pag-assess ng kredensyal na isinasagawa ng ahensyang taga-assess. Alamin mula sa regulator ang tungkol sa mga partikular na kinakailangan dahil posibleng iba ito kaysa sa mga kinakailangan para sa imigrasyon.
  • Tala ng iyong karanasan sa pagtatabaho bilang engineer sa isang format na tinatanggap ng regulator. Kakailanganin mong ipamalas na mayroon ka ng mga pangunahing kakayahan sa engineering.
  • Mga propesyonal na rekomendasyon (reference), ayon sa format na itinakda ng regulator.  

Kakailanganin din ng mga regulator na maipasa mo ang isang Professional Practice Examination (PPE) bago maging lisensyado. Isa itong pagsusulit tungkol sa pagsasagawa ng propesyon sa Canada, na nakapokus sa batas, etika, at propesyonalismo; hindi ito isang teknikal na pagsusulit tungkol sa engineering.  

Mahalagang tandaan na posibleng matagal at magastos ang proseso ng pag-assess para makakuha ng lisensya ng P.Eng. Puwedeng umabot ng mga buwan ang ilang indibidwal o baka mga taon pa nga ng pagsisikap, at hindi lahat ay nagtatagumpay. Kaya naman, magandang maging handa at magkaroon ng pansamantalang (o alternatibong) opsyon sa karera, kung kinakailangan. Kapag nabigyan ka na ng lisensya ng isa sa mga regulator ng Canada, puwede mo nang tawaging engineer ang iyong sarili at gamitin ang nakatalagang titulo para sa iyong uri ng lisensya (hal. P.Eng.). Ipinagbabawal ang paggamit ng titulo bilang engineer nang walang lisensya.

Available ang higit pang impormasyon tungkol sa proseso ng paglilisensya sa Canada sa website ng EngineerHere.ca. Partikular na ginawa ang site na ito para magbigay sa iyo ng pangunahing impormasyon na kailangan mong malaman tungkol sa pagtatrabaho sa Canada bilang isang engineer. Nasa site din ang impormasyon tungkol sa pag-migrate sa Canada, pagiging engineer sa Canada, at pagtatrabaho sa engineering sa Canada. Mayroon din itong mahahalagang tip at resource.

Related Information

Find your provincial or territorial regulator

To work as a professional engineer in one of Canada's provinces or territories, you must receive a licence from that province or territory's engineering association.